COMELEC, tiniyak na matutuloy ang Barangay at SK Elections sa December 5

179

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na matutuloy ang Barangay at SK Elections sa December 5.

Sa harap ito ng mga panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK Elections.

Sinabi ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na nakahanda na ang puwersa ng poll body maging ang kanilang budget para sa halalan.


Ayon kay Laudiangco, ang susunod na hakbang na gagawin ng COMELEC ay bumili ng election-related paraphernalia tulad ng ballot papers, printing services, gayundin ang accountable at non-accountable forms.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 2.1 million ang mga bagong registrants na naitala ng COMELEC.

Facebook Comments