Commemorative 10 peso coin, inilabas ng BSP

Manila, Philippines – Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang limited edition 10 peso coin nito.

Tampok sa disenyo ng sampung piso ang bayaning si Heneral Antonio Luna bilang paggunita sa ika-150 taong anibersaryo ng kanyang kapanganakan.

Nakaukit sa harap ng barya ang mukha ni Gen. Luna maging ang pirma nito.


Sa likuran nito ay nakalagay ang mga salitang: ‘Dangal’, ‘Tapang’, at ‘Dignidad’.

Sampung milyong piraso ng nasabing commemorative coins ang ipakakalat sa sirkulasyon partikular sa mga banko at mga opisina ng BSP.

Si Heneral Luna ay bayani ng digmaan laban sa Estados Unidos noong 1899.

Facebook Comments