
Pinalagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang paratang sa militar matapos batikusin ito sa ginawa nilang operasyon laban sa New People’s Army (NPA) sa Tobongan, Negros Occidental.
Nabatid na naiulat na may 19 na nasawi sa panig ng mga rebelde na kinabibilangan ng isang high value individual at ang UP Diliman Student Councilor na si Alysa Allano.
Ayon kay Teodoro, kwestyunable ang presensya ng nasabing estudyante sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro at bakit ito kasama ng grupo.
Aniya, matuturing na obstruction on justice ang ginagawa ng estudyante at kwestyunable bakit ito nandoon.
Kaugnay nito, kinontra rin ng Philippine Army (PA) ang alegasyon na lumabag umano sa human rights ang militar matapos ang nangyaring engkwentro.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang alegasyon ng paglabag sa human rights ay isang seryosong usapin at dapat suriin sa tamang legal at institusyunal na proseso.










