Friday, June 19, 2026

Commercial building sa Sta. Cruz, Maynila, nasunog

Nasunog ang isang residential – commercial building sa Sta.Cruz, Maynila kaninang alas-8:32 ng umaga.

Partikular ang Golden Valley Building sa bahagi ng Tomas Mapua Street kanto ng Recto Avenue.

Inabot ng unang alarma ang sunog sa ikapitong palapag ng building kung saan agad naman nakababa ang ilang mga residente.

Pero isang aso ang nasawi matapos na ma-suffocate sa kapal ng usok habang naligtas naman ang isang PWD.

Hindi pa mabatid kung anong pinagmulan ng sunog habang inaalam pa rin kung ilan unit ang nadamay at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Facebook Comments