Walang duda na tanggap at suportado na rin ng publiko ang paghalal kay Senate President pro-tempore at acting Senate President Win Gatchalian.
Ayon kay Senator Ping Lacson, makikita ito sa hiyawan at palakpakan ng mga taong dumalo kahapon sa ika-128 paggunita sa Araw ng Kalayaan kung saan pinakilala ni Pangulong Bongbong Marcos si Gatchalian.
Si Gatchalian ang inimbitahan sa programa bilang lider at kinatawan ng Senado sa halip na si Senator Alan Peter Cayetano na patuloy na iginigiit na siya pa rin ang pangulo ng Senado.
Sinabi ni Lacson na hindi na dapat magkaroon ng kalituhan kung sino ang dapat na kilalanin at sundin na lider ng Mataas na Kapulungan.
Nahalal si Gatchalian sa nasabing posisyon matapos magkaroon ng quorum sa huling araw ng sesyon bago magsara ang first regular session ng 20th Congress noong June 3 kung saan dumating itong si Senator Chiz Escudero.
Ang Malacañang, Kamara, Integrated Bar of the Philippines (IBP), Civil Service Commission (CSC) at mga ahensiya ay si Gatchalian na rin ang kinikilalang lider sa Mataas na Kapulungan.











