
Muling iniurong sa Miyerkules, June 24 ng Sandiganbayan 3rd Division ang arraignment hearing ng kasong Graft laban kay dating Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at iba pang executives ng departamento, kaugnay ng umano’y iligal na pagbibenta ng mga akusado sa share sa Malampaya Gas Project ng Chevron Corporation sa Udenna Corporation.
Ito ay dahil sa inihain na motion for bill of particulars, gaya ng nature at basis ng nasabing alegasyon na nakaapekto o tinatawag nilang “injury” sa gobyerno, dahil hindi umano ito inispecify ng prosekusyon ayon sa kampo ng mga akusado.
Dahil dito, binigyan ng 5 araw ng hukuman ang prosekusyon para magsumite ng bill of particulars.
Gayunpaman, hinimok naman ng korte ang legal council maging ang mga akusado, na ihain na ng sabay-sabay ang mga mosyon at huwag nang patagalin ang arraignment hearing bilang paggalang sa korte at para hindi umano maubos ang resources ng mga akusado, lalo’t inabot na umano ito ng 10 buwan dahil sa ilang beses na pagri-reachedule.










