Friday, June 19, 2026

Sen. Bong Go, ipinagpapasa-diyos na lamang ang balitang may ICC warrant of arrest laban sa kanya

Ipinagpapasa-Diyos na lamang ni Senator Christopher “Bong” Go ang lahat ng mangyayari sa kanya matapos na ihayag ni Cong. Pulong Duterte na may ilalabas na warrant of arrest ang International Criminal Court o ICC laban sa senador.

Ayon kay Go, ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat pati ang kanyang buhay dahil wala naman naman siyang nilabag na batas ng tao o ng batas ng Diyos.

Iginiit ng mambabatas na kailanman ay hindi naging bahagi ng kanyang mandato noong nakaraang administrasyong Duterte ang tungkol sa mga usapin sa pulis.

Umaasa at ipinagdarasal ni Go na hindi mapupulitika ang isyu tungkol sa sinasabing ICC warrant laban sa kanya.

Sa kabila ng balitang ito ay hindi naman magpapaapekto ang senador at nangakong patuloy na gagampanan ang tungkulin bilang senador.

Samantala, tumanggi namang magkomento si Senate President Win Gatchalian tungkol sa nasabing post ni Cong. Pulong dahil wala pa naman talagang impormasyon tungkol sa ICC arrest laban kay Go.

Facebook Comments