Matapos ang mahigit isang dekadang pag-aaral, inaprubahan na sa Pilipinas ang commercial cultivation o pagtatanim ng “genetically engineered” Golden Rice.
Ang Golden Rice, na isang Vitamin A-enriched grain ay inisyal na ide-deploy sa ikatlong kwarter ng 2022 partikular sa mga lugar na nakararanas ng Vitanim A deficiency bago ito ibenta para sa public consumption.
Taong 2011 pa sana inaasahang maaaprubahan ang malawakang pagtatanim ng Golden Rice sa Pilipinas pero tinutulan ito ng ilang sektor dahil sa posibleng banta nito sa kalusugan.
Una nang tumanggap ng food safety approval mula sa regulators sa Australia, New Zealand, Canada at United States.
Facebook Comments