
Nais kuhanin ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) ang pahayag ng viral na estuyanteng nagtitinda ng sampaguita sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City.
Ayon kay PNP-CSG Spokesperson PLtCol. Eudisan Gultiano, saka-sakaling hindi ito tumugon ay magpapatuloy pa rin ang preliminary investigation sa insidente.
Gayunman, sinabi ni Gultiano na posibleng maka-apekto iyon sa administrative complaint laban sa gwardiya lalo na kung mabibigo ang nasabing estudyante na maghain ng pormal na reklamo.
Sa ngayon, nananatiling nasa floating status ang sekyu na nakatakdang magsumite ng kanyang kontra salaysay sa PNP CSG sa January 23, 2025.
Kahapon, dumalo sa clarificatory meeting ang security guard kasama ang operations manager ng security agency at kanilang legal counsel.