𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧

Arestado sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation ng PNP Dagupan at PDEA Regional Office 1 ang mag-asawa na kinilalang sina Noraima Saranga at Nabil Saranga, residente ng Sitio Silungan, Bonuan Gueset, Dagupan City.

Kumpiskado sa puder nila ang hinihinalang shabu na may street drug price na abot PHP 70,800 at tumitimbang ng higit 11 gramo. Kabilang sa nakumpiska ang dalawampung piraso ng photocopied one-thousand peso bills bilang boodle money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Dagupan ang mga suspek para sa tamang disposiyon at haharap sa paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments