𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜

Ang problema sa pamilya partikular sa pag kustodiya sa anak ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng Isang lalaki sa bayan ng Sta. Barbara.

Nakita na lamang na nakabigti sa sanga ng puno ng mangga ang biktima pasado alas nuebe ng umaga.

Maliban dito ay may nakita ring tasa na may laman ng pinaniniwalaang lason na nakita sa tabi nito.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, problemado umano ito sa kanyang pamilya lalo na sa usapin ng pag kustodiya sa kanilang anak.

Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments