Couples na sina Yael Yuzon at Karylle, hindi pa daw pina-plano ang magka-anak kahit na 3 years ng kasal

134

Manila, Philippines – Kapwa busy pa sa kani-kaniyang career ang Sponge Cola vocalist na si Yael Yuzon at celebrity wife na si Karylle kaya’t hindi pa raw sila nagpa-planong magka-anak.

Ito ang inamin ni Yael kung saan mistulang pass muna sila sa proseso ng baby making ng TV host-singer kahit na tatlong taon na ang nakalipas simula ng sila ay ikinasal.

Paliwanag ni Yael, naka-focus sila ngayon ni Karylle sa kani-kanyang mga career commitments gayong siya ay abala pa sa mga concert tours sa loob at labas ng bansa.

Dagdag pa ng 33-year-old singer na hindi naman daw pinaplano talaga ang pagkakaron ng anak, na kung darating ay kanila naman daw itong tatanggapin ni Karylle.

Facebook Comments