Kobe Paras, pangungunahan ang pilipinas sa FIBA 3×3 World Cup

40

FIBA – Pangungunahan ni Kobe Paras ang team Philippines para sa FIBA 3×3 world cup na gaganapin sa France sa buwan ng Hunyo 17 hanggang 21.

Makakasama nito sina Kiefer Ravena, Jeron Teng at Raymar Jose.

Ito na ang pangatlong beses na maglalaro si Paras sa international 3×3 basketball kung saan nakasali na ito sa 3×3 u18 world cup noong 2013 at 2015 habang nanguna ito sa slam dunk competitions.

Makakaharap ng Piliinas ang France, defending champion na Slovenia at 2014 champion na Romania at El Salvador.

Samantala, inanunsyo naman ni samahang basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman Manny V. Pangilinan na Pilipinas naman ang maghohost ng FIBA 3 by 3 world cup sa susunod na taon.
DZXL558

Facebook Comments