Malinamnam at nakaka-gutom na kakaibang kakanin sa Thailand, bentang-benta ngayon

108

Thailand – Isang dessert shop ang dinadayo ngayon dahil sa makatotohanan nitong hugis asong kakanin.

Sobrang sikat sa Thailand ang mga kakanin na tinatawag nila itong “coconut cream pudding” kaya’t dahil dito naisip ng wilaiwan dessert shop sa Panthun Thani sa Bangkok na gawing kakaiba ang karaniwang hugis bulaklak na kakanin.

Sa unang tingin ay tiyak na maakit ka dahil tila totoong aso nga at marami ang nagsasabi na masarap ang kakanin na ito.

Pero may ilan naman na dog lover ang hindi makatiis na tikman marahil naiisip nila na ang kanilang kinakain ay ang mismong alaga nila.

Nag-viral ang nasabing post online na naka-akit pa sa mga netizens sa ibat-ibang bansa at maari naman itong mabili sa halagang 25 thai baht (P36.00) kada-isang order.
DZXL558

Facebook Comments