Wednesday, April 22, 2026

SALN ni VP Duterte, kinakitaan ng kaduda-dudang mga deklarasyon

Para kay House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, kaduda-duda ang mga deklarasyon ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN mula 2007 hanggang 2024.

Ayon kay De Lima, nagpapakita ito ng pattern ng underdeclaration at pagdududa sa kanyang inire-report na kabuuang yaman na isang mahalagang isyu sa pagtukoy kung may probable cause ang kinakaharap na impeachment complaints.

Pangunahing tinukoy ni De Lima na nakakapagtaka na biglang walang idineklarang cash on hand at cash deposits si VP Sara sa mga taong 2019 hanggang 2024.

Napuna rin ni De Lima ang biglaang pagbabago sa deklarasyon ni VP Duterte na kanyang liabilities o mga pagkakautang.

Punto ni De LIma, ang kawalan ng cash on hand at lumalaking liabilities ay hindi tugma sa mabilis na paglobo ng halaga ng kabuuang yaman ni VP duterte base sa kanyang mga SALN na dapat siyasatin.

Facebook Comments