Wednesday, May 6, 2026

PNP, iniutos ang mahigpit na pagpapatupad ng 3-strike policy sa mga police commanders habang pinapaigting ang crackdown kasunod ng mga insidente ng gas and run

Iniutos ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagpapatupad ng 3-strike policy sa mga police commanders kasunod ito ng mga insidente ng gas and run.

Nabatid na ito ang pinakahuling insidente nitong May 3 kung saan isang gas station ang tinakbuhan ng isang asul na Sedan matapos magpagasolina ng 1,500 pesos sa Mindanao Avenue, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ito na ang pangatlong kaso ng gas and run sa Quezon City at sa kabuuan apat na ang nagiging kaso nito sa buong bansa kung saan ang isa ay naiulat sa Negros Occidental.

Nilinaw ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, ang nasabing direktiba ay hindi lamang sa mga gas and run incident kung’di sa iba pang mga krimen.

Aniya, kapag ang isang insidente ay hindi nabigyan ng solusyon at umabot hanggang tatlo, ito ay magreresulta sa pagkakatanggal sa serbisyo ng nasabing station commander.

Facebook Comments