Muling hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na i-report ang ano mang kaso ng hoarding o pag-ipit sa suplay ng petrolyo.
Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, karaniwan kasing nangyayari ang pag-ipit ng suplay ng petrolyo sa tuwing mayroong oil price hike.
Mayroon din aniyang mga gasoline station na tumatangging magbenta ng produktong petrolyo.
Karaniwan aniyang ang diesel na ginagamit ng mga PUV drivers sa kanilang sasakyan ang iniipit ang suplay tuwing may oil price hike.
Dahil dito, pinayuhan ni Garin ang publiko na kung maari ay samahan ng dokumento, litrato o video ang isusumiteng reklamo sa Citizen’s eReport System portal sa eGov app.
Facebook Comments











