Saturday, October 10, 2026

Cross-Examination ng depensa sa BIR representative, ipinagpapatuloy ngayong day 37 ng Impeachment Trial

Itutuloy ngayong ika 37 araw ng impeachment trial ang cross examination ng depensa sa testigo ng prosekusyon na si Bureau of Internal Revenue (BIR) Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez.

Matapos ang cross-examination ay susundan naman ito ng interjection o pagtatanong ng senator-judges.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Marquez base sa mga records na kumita ang magasawang VP Duterte at Atty. Mans Carpio ng P85.3 million mula 2007 hanggang 2025 na hindi tugma sa nakadeklara sa 2025 SALN ng bise presidente na P98 million networth.

Bukod dito, sinasabi rin sa records na tumanggap ng kompensasyon o ibang kita si VP Sara na higit sa P1 million taong 2024 at 2025 kung saan ikalawang pangulo na ito ng bansa.

Ipinagpapalagay ng kinatawan ng BIR na ang “other income” na ito ay may kinalaman sa kanyang law profession kung pagbabatayan ang isinumiteng certificate of registration.

Inaasahang isasalang din ngayon sa witness stand ang ikalawang testigo ng prosecution team ngayong araw na si Atty. Alexander Cabrera, forensic financial analyst, na siyang magtatahi sa mga nakadeklara sa SALN at sa mga financial transactions ng bise presidente at ni Carpio.

Facebook Comments