
Ini-reschedule ang arraignment hearing para sa kasong grave threats ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga nakabinbing mosyong Partial Reconsideration Ad Cautelam kaugnay ng ibinasurang motion for inhibition ng hukuman.
Ayon kay Atty. Paul Laurence Lim, isa sa mga abogado ni VP Sara, kailangan pang pag-aaralan ng hukuman ang nasabing mosyon, kabilang na ang nakabinbing Petition for Certiorari sa Supreme Court.
Hindi naman sinabi ni Atty. Lim kung kailan na ang bagong schedule ng arraignment hearing ng bise presidente sa Quezon City RTC, dahil mas maigi umanong manggaling ang detalyeng ito mula sa korte o sa prosekusyon.
Hindi rin maibahagi ni Atty. Lim ang detalye ng argumento, dahil sa umiiral na sub judice rule.
Samantala, bantay-sarado naman ng 100 personnel ng Quezon City Police District ang Hall of Justice Building, bago hanggang sa pag-alis ng bise presidente.










