Friday, October 9, 2026

Araw ni VP Sara sa pwesto, bilang na para sa House Prosecution

Sa loob ng 34 araw na itinatakbo ng impeachment trial ay nakikita ng House Prosecution Panel na bilang na ang araw ni Vice President Sara Duterte sa pwesto.

Diin ni House Prosecution Panel adviser at spokesman Ace Barbers, sunod-sunod ang mga ebidensyang ipinipresenta sa impeachment trial na mahirap ipaliwanag o ipagtanggol at hindi na kailangan ng dagdag na interpretasyon.

Ayon kay Barbers, hindi na maaaring basta ibasura bilang “political attacks” lamang ang mga alegasyong laban kay VP Sara dahil nakalatag na sa harap ng Impeachment Court ang mga dokumento, financial records, testimonya at iba pang ebidensya.

Sinabi ito ni Barbers, kasunod ng mga dokumento at testimonya sa impeachment trial ng mga opisyal o kinatawan ng Anti-Money Laundering Council, iba’t ibang bangko, insurance company at Bureau of Internal Revenue.

Giit ni Barbers, napakalinaw na ang mga multi-milyong pisong financial transactions sa mga accounts ni VP Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio ay hindi tugma sa nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities ang Networth o SALN.

Facebook Comments