Cyber libel complaint na inihain ni Senator Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ibinasura

Ibinasura na ng Makati City Prosecutor’s Office ang isinampang cyber libel complaint ni Senator Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kasunod nito, naghain na ng Motion for Reconsideration ang kampo ng Senador pero ikinokonsidera na rin nilang i-withdraw ang kaso para bigyang daan ang extradition kay Quiboloy dahil sa mga kinakaharap nitong reklamo sa Estados Unidos.

Ayon sa Abogado ni Pacquiao na si Atty. Nikki de Vega, agad ibinasura ang kaso kahit wala pang inihahaing counter-affidavit si Quiboloy.


Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon nang maghain si Pacquiao ng P100-million cyber libel complaint laban sa founder ng Kingdom of Jesus Christ matapos nitong akusahan ang senador na ginamit ang pondo ng gobyerno para sa Saranggani Sports Training Center na hindi naman natapos.

Facebook Comments