Help Pilipinas Party-List, tiniyak na ilalapit sa masa ang mga programang pangkalusugan ng bansa

Tiniyak ng “Help Pilipinas Party-List” na paiigtingin nila at mas ilalapit sa masa ang mga batas na may kaugnayan sa kalusugan kapag manalo ngayong May 9 election.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Help Pilipinas Party-List First Nominee Dr. Mildred Vitangcol na napapanahon ng amyendahan ang ilang batas na nag-uugnay sa kalusugan na dapat umakma sa sitwasyon ngayon.

Aniya, tutulungan din nila ang mamamayan na malaman ang kanilang karapatan sa bawat programa ng pamahalaan at gayundin ang mga health facilities at health professional sa bansa.


Maliban sa pangkalusugan, sinabi ni Vitangcol na tututukan din nila ang programang pang-edukasyon at pangkabuhayan para sa ating mga mamamayang Pilipino.

Facebook Comments