
Kinondena ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang Artificial Intelligence (AI) generated social media post ng China Daily, ang state-owned media ng China patungkol sa paglalarawan ng mga ito sa mga Pilipino bilang unggoy.
Makikita sa video ang isang unggoy na nakasuot ng salakot at barong habang pinakakanta ng dalawang malalaking kamay na may nakasulat na US at Japan sa kanilang sleeves, pagkatapos ay tinapon sa dagat, at binombohan ng water canyon ng isang barko.
Ayon kay Teodoro, ang panunuya ng China sa 2016 Artibitral Award na pumapabor sa Pilipinas at ang pagiging marahas nito sa mga Pilipino at sundalo ay nagpapakita lamang ng kahibangan ng nasabing bansa.
Aniya, ang nasabing aksyon ng Chinese Communist Party (CPC) ay nagpapakita ng kanilang kahinaan na humahantong sila sa racism, pagbabanta, at paghahasik ng galit dahil bigo silang ipagtanggol ang kanilang pag-aangkin ng teritoryo.
Dagdag pa ni Teodoro, ang kabaliwan ng Partido Komunista ay malinaw na hindi dapat patulan pa at pansinin.










