
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga Pilipinong seafarer na nalalagay sa panganib dahil sa mga pandaigdigang krisis, kabilang ang tensyon sa Middle East.
Ayon sa Pangulo, handang umaksyon ang gobyerno upang matulungan ang mga marino na maaapektuhan ng mga ganitong sitwasyon.
Binigyang-diin din niya na naagapan ng pamahalaan ang banta sa pagkilala sa sertipikasyon ng mga Filipino seafarer sa Europa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng maritime education at pagsunod sa international standards.
Hinimok naman ni Pangulong Marcos ang mga bagong graduate na magsilbi nang may integridad, mamuno nang may kababaang-loob, at patuloy na ipakita ang husay ng mga Pilipinong marino sa buong mundo.
Facebook Comments










