Tuesday, July 21, 2026

PNP, beniberipika ang mga ulat na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Atong Ang

Beniberipika na ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Atong Ang.

Kasunod ito ng mga haka-haka na nakalabas na umano ng Pilipinas ang nasabing pugante.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa kabila nito ay naniniwala sila na nasa bansa pa rin si Ang base na rin sa “last known location” o yung huling pinuntahan nito.

Nabatid na si Ang ang itinuturing na mastermind sa pagkawala ng mga sabungero sa bansa at siya ay may patong na sa ulo na umabot na sa 20 million pesos.

Facebook Comments