
Arestado ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), Bureau of Immigration (BI), at Manila Police District (MPD) ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) mula Doha, Qatar pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.
Ito ay sa bisa ng alias warrant na pinalabas ng Pasay Regional Trial Court (RTC) dahil sa kasong Large-Scale Illegal Recruitment.
Inabisuhan ng mga awtoridad ang suspek na walang piyansang inirekomenda ang korte sa kaniyang kaso.
Agad naman siyang inilipat sa kustodiya ng MPD Warrant and Subpoena Section para sa kaukulang disposition.
Facebook Comments










