DAGUPAN LGU, NAGPULONG KAUGNAY SA GASTUSIN, ENERGY CONSERVATION AT TRANSPARENCY MEASURES

Nagsagawa ng pagpupulong ang pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan kasama ang mga department heads kaugnay ng mga hakbang at programa hinggil sa government expenditures, energy conservation, at fuel consumption ng mga sasakyang pag-aari ng pamahalaan ngayong araw ng Mayo 25, 2026.

Sa nasabing pulong, Mahigpit na mino-monitor ng pamahalaang lungsod ang mga gastusin at konsumo upang masukat ang pagiging epektibo ng ipinatutupad na 4-day workweek bilang suporta sa energy conservation program ng pambansang pamahalaan.

Sa kabila ng maigting na pagbabantay sa mga gastusin ng lungsod, tiniyak ng pamahalaan na mananatiling tuloy-tuloy at maayos ang paghahatid ng serbisyo publiko para sa mga mamamayan.

Kasabay nito, inatasan din ang lahat ng department heads na ihanda ang kani-kanilang ulat hinggil sa inventory ng mga supplies at equipment ng kanilang mga tanggapan bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability sa lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments