Naglunsad ng blessing at ribbon-cutting ceremony para sa bagong Bamboo Nursery sa Barangay Sta. Maria, Alaminos City kahapon, Mayo 24, 2026, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng mga programang pangkabuhayan at pangkalikasan sa lungsod.
Ayon sa tanggapan ng Kongreso, malaking tulong ang naturang proyekto upang mapalawak ang produksiyon ng kawayan na maaaring magbigay ng dagdag na kabuhayan sa mga residente ng barangay at mga karatig-lugar.
Inaasahan ding makatutulong ito upang matiyak ang sapat na suplay ng kawayan para sa operasyon ng Hundred Islands E-Kawayan Factory, na ginagamit sa iba’t ibang environmental initiatives ng lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, inilunsad din ang bagong Multi-Purpose Covered Court sa Barangay Polo, Alaminos City. Inaasahang magsisilbi itong sentro ng iba’t ibang aktibidad, programa, at pagtitipon ng mga residente ng barangay.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal at mamamayan ng Barangay Sta. Maria at Barangay Polo sa patuloy na suporta at mga proyektong ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa ikauunlad ng kanilang komunidad.
Patuloy namang isinusulong ng pamahalaan ang mga proyektong nakatuon sa kabuhayan, imprastraktura, at pangangalaga sa kalikasan upang higit na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Unang Distrito ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











