MAGNANAKAW UMANO NG P120K SA MEAT SHOP, ARESTADO SA BUGALLON

Agad na naaresto ng mga pulis ang isang lalaki matapos umano nitong tangayin ang bag na naglalaman ng ₱120,000 mula sa isang meat shop sa Bugallon, Pangasinan noong May 21, 2026.

Batay sa imbestigasyon, natutulog umano ang 52 anyos na businesswoman at may-ari ng tindahan nang samantalahin ng 42 anyos na suspek, residente ng San Fabian, Pangasinan, ang pagkakataon upang nakawin ang itim na shoulder bag ng biktima.

Nagising ang biktima at humingi ng tulong habang hinahabol ang suspek.

Agad namang rumesponde ang Bugallon MPS matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen.

Sa tulong ng mga residente, mabilis na naaresto ang suspek at nabawi ang ninakaw na bag at perang nagkakahalaga ng ₱120,000. Dinala ang suspek sa Bugallon MPS para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments