Nagpaalala ang Dagupan City Police Office sa publiko na maging mapagmatyag at tiyaking ligtas ang kanilang mga sarili at ari-arian habang ginugunita ang Undas at dumadalaw sa mga sementeryo.
Sa inilabas na paalala, hinikayat ng pulisya ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa mga akyat-bahay at pickpocket na maaaring magsamantala sa dami ng taong bumibiyahe at dumadalaw sa mga sementeryo ngayong Undas.
Kabilang sa mga ipinapayo ng pulisya ang paglalagay ng cellphone, wallet at iba pang mahahalagang gamit sa ligtas na lugar upang hindi madaling matangay ng mga kawatan.
Pinapayuhan din ang publiko na iwasang magpakita ng malaking halaga ng pera sa mga mataong lugar at huwag mag-iwan ng mahahalagang kagamitan sa loob ng mga nakaparadang sasakyan.
Bukod dito, hinihikayat ang lahat na agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad na kanilang mapapansin.
Ayon sa Dagupan City Police Office, makatutulong ang sama-samang pag-iingat at pagiging alerto ng bawat isa upang maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ngayong Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










