Tuesday, September 8, 2026

NBI, iniimbestigahan na dahilan ng pag-alsa balutan ni Rep. Leviste sa kaniyang penthouse sa BGC

Patuloy na biniberipika ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga balitang binakante na ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste ang kanyang penthouse unit sa Horizon, Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Ayon kay NBI Dir. Melvin Matibag, nakatanggap sila ng impormasyon ngayon na maliban sa pagbakante sa kanyang unit ay pinahakot ni Leviste ang kanyang mga gamit.

Sa impormasyon na natanggap ng NBI, tatlong linggo na ang nakalipas nang ipahakot ng mambabatas ang kanyang gamit sa penthouse.

Sa kabila nito, hindi naman kinumpirma ni Matibag ang report na posibleng nag-a-apply na ang kongresista at ang inang si Senator Loren Legarda ng asylum sa ibang bansa.

Sa ngayon, humiling na ang NBI ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Leviste, kasama sina dating Rep. Jing Paras, mga abogado ng Rondain & Mendiola Law Firm, at ang arestadong talent manager na si Lito de Guzman.

Matatandaang pinabulaanan ng kampo ni Leviste, Paras, at mga abogado ang umano’y papel nila sa sinasabing character assassination.

Facebook Comments