
Naglabas ng abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa gagawing pagpapalipad ng China ng Yinli-1 (Y4) rocket.
Sa abiso ng PCG, posibleng gawin ang rocket launch mula alas-10:46 ng umaga hanggang alas-11:21 ng umaga ngayong araw, July 22.
Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, ang nasabing rocket ay nakatakdang paliparin mula sa East China Sea Launch Area sa Shanghai.
Nabatid na ang designated drop zone ay 115 nautical miles mula Babuyan Island at 129 nautical miles mula Sta. Ana, Cagayan.
Inaabisuhan din ang mga mangingisda at marino na iwasang maglayag sa designated drop zone sa mga nasabing oras.
Maging ang publiko ay inaabisuhan rin na huwag lapitan o kunin ang mga rocket debris na matatagpuan sa karagatan.
Payo pa ng PCG. agad na i-report sa kanilang mga tanggapan ang anumang kahina-hinalang bagay na matatagpuan sa karagatan matapos ang pagpapalipad ng rocket ng China.










