Saturday, July 25, 2026

Kamara, wala pang planong ituloy muli ang imbestigasyon sa flood control sandal

Wala pa sa plano ng House Infrastrature Committee na ituloy muli ang pagsisiyasat sa maanumalyang flood control projects.

Paliwanag ng Chairman ng komite na si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, nais nilang maiwasan ang “conflict of interest” dahil may mga miyembro ng Kamara at Senado ang sangkot sa kontrobersiya.

Ayon kay Ridon, ipapaubaya na lang nila ang imbestigasyon sa third party investigatie bodies tulad ng Office ot the Ombudsman at ang naunang Independent Commission for Infrastracture (ICI).

Diin ni Ridon, marami na ring nagawa ang Ombudsman tulad ng pagsasampa ng mga kaso habang mayroon na ring mga personalidad sa sangkot sa eskandalo ang nakakulong.

Facebook Comments