
Tiwala ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mababasura lamang ang reklamong grave threats na isinampa ng Department of Justice (DOJ).
Una rito, kinumpirma ni Atty. Paul Lawrence Lim, counsel ng Vice President na naghain ang DOJ ng tatlong bilang ng kasong grave threat laban sa bise presidente.
Isinampa ito ng Regional Trial Court of Quezon City.
Ibinasura naman ng DOJ ang Inciting to Sedition complaint ng NBI.
Ayon sa mga abogado ni VP Sara, gagawin nila ang lahat ng legal remedy sa kinahaharap nitong kasong grave threats.
Sinabi ng kampo ng pangalawang pangulo na inaasahan na nila ang naturang outcome ng kaso.
Ang reklamo laban sa bise presidente ay kaugnay ng kanyang pahayag noong 2024 na nagsabing kumuha umano siya ng isang hitman para ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.










