Wednesday, August 12, 2026

Flood control projects, dapat muling pondohan para sa kapakanan ng mamamayan

Buo ang suporta ni San Juan Representative Ysabel Zamora na muling laanan ng pondo ang flood control projects sa ilalim ng 2027 National Budget.

Diin ni Zamora, maraming mga flood control programs ang gumagana, epektibo at nararapat pondohan o suportahan para maipagpatuloy.

Ayon kay Zamora, malaking tulong ang nabanggit na mga proyekto para mapigilan o maibsan ang pagbaha.

Iginiit naman ni Zamora, na dapat ituloy ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga opsiyal at politiko na sangkot sa mga maanumalyang flood control projects.

Facebook Comments