Wednesday, August 12, 2026

Nakolektang basura sa Baclaran Channel, umabot na sa 300 tonelada

Pumalo na sa mahigit 80 truck ng basura ang nakolekta sa Baclaran Channel o sa Redemptorist sa Parañaque City.

Ang mga basura ay napadpad sa naturang creek matapos ang malakas na pag-ulan at high tide.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, kahapon ay nasa 75 dump trucks katumbas ng 300 tonelada o 300,000 kilo ng basura ang nakolekta.

Ngayong araw naman ay nasa walong truck ng basura ang nakolekta ng MMDA at Parañaque City local government unit (LGU).

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, malaking tulong ang trash skimmer na dinala nila sa area para mas mapabilis ang paghahakot ng tone-toneladang basura.

Ang trash skimmer ay isang mechanical device na ginagamit para sa pangongolekta ng lumulutang na basura sa katubigan.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang paghahakot ng basura sa creek pero hindi pa alam ng MMDA kung kailan ito matatapos.

Facebook Comments