Monday, August 10, 2026

ACCESS ROAD SA BRGY. MALICO, SAN NICOLAS, SARADO DAHIL SA LANDSLIDE

Sarado pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang access road patungo sa Barangay Malico sa San Nicolas, Pangasinan matapos makaranas ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagguho ng lupa sa lugar.

Ayon sa MDRRMO San Nicolas, hindi pa rin madaanan ang naturang kalsada kaya ipinagbabawal muna ang pagdaan ng lahat ng uri ng sasakyan bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga motorista at residente.

Nagsagawa naman ng site inspection at patuloy na monitoring sa apektadong bahagi ng kalsada ang pulisya at MDRRMO San Nicolas.

Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang kondisyon ng kalsada at ang posibilidad ng karagdagang pagguho ng lupa dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan.

Paalala ng mga awtoridad sa publiko na iwasang dumaan sa naturang lugar hangga’t hindi pa ito idinedeklarang ligtas at muling bukas sa mga motorista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments