Friday, August 7, 2026

Mahigit 130-K indibidwal, naiulat na naapektuhan ng pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay at Habagat—NDRRMC

Nasa kabuuang 132, 956 na mga indibidwal o katumbas ng 39, 879 na pamilya ang naiulat na naapektuhan ng pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay at Southwest Moonsoon o hanging Habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing bilang ay mula sa mga apektadong lugar sa Region 1, 2, 3,5,9, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kung saaan nasa higit 2,000 pamilya o katumbas ng higit 6,000 ang nananatili sa 62 na mga itinalagang evacuation centers sa bansa.

Samantala, nasa higit P3.5 million na ang halaga ng mga naipamahaging tulong sa mga apektado ng nasabing mga bagyo at ng Habagat.

Nanatili namang nasa apat ang naiulat na nasawi ng NDRRMC habang patuloy pa rin ang balidasyon sa ilan pang mga naiulat na nasawi dahil sa pagkalunod kung ito ay sanhi ng nasabing pagtama ng bagyo.

Facebook Comments