Muling nakatanggap ng ayuda ang nasa 669 rehistradong tricycle drivers sa Tayug mula sa lokal na pamahalaan bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng karagdagang ₱3,000 na tulong pinansyal na dagdag sa naunang ₱5,000 na ayuda na ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan.
Layunin ng programa na maibsan ang epekto ng patuloy na oil crisis na labis na nakaapekto sa sektor ng transportasyon, partikular sa mga tricycle driver na umaasa sa araw-araw na pasada para sa kanilang kabuhayan.
Binigyang-diin din na ang naturang hakbang ay bahagi ng patuloy na suporta at pagkilala sa sakripisyo ng mga driver na nagsisilbi sa komunidad at nagsusumikap para sa kanilang pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










