ONE-STOP VICTIM-CENTERED PROCESS, ISINUSULONG PARA SA MGA SURVIVOR NG SEXUAL VIOLENCE SA LA UNION

Isinusulong ng isang mambabatas sa La Union ang pagtatatag ng One-Stop Victim-Centered Process upang makapagpatupad ng praktikal at mapagmalasakit na proseso para sa mga biktima ng karahasan.

Sa ginanap na sesyon, inihain ang layuning maiwasan ang nakakatrauma at mahabang proseso ng pagrereport ng karahasan ng mga biktima dahil sa paulit-ulit na pagsasalaysay sa iba’t-ibang opisina at personnel.

Sa ilalim ng panukala, hinimok ang presensya ng Department of Health, kapulisan at social service upang mabilis na maaksyonan ang anumang insidente ng pang-aabuso.

Gayunman, kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ang tungkulin ng mga ahensya sa kasalukuyang proseso ng pag-uulat ng mga insidente ng paglabag sa RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments