Wednesday, May 6, 2026

MOTORISTA, NASAWI MATAPOS SUMALPOK SA PAATRAS NA SASAKYAN SA NATIONAL HIGHWAY SA SISON

Nasawi ang isang 34-anyos na motorista matapos itong bumangga sa isang paatras na sasakyan sa kahabaan ng national highway sa madaling-araw ng Mayo 6, 2026.

Batay sa imbestigasyon ng Sison Municipal Police Station, nangyari ang aksidente bandang alas-3:50 ng umaga sa Barangay Poblacion Central kung saan papaatras umano ang isang dropside utility vehicle na minamaneho ng 29-anyos na lalaki.

Kasabay nito, binabaybay naman ng motorsiklong minamaneho ng 34-anyos na lalaki na residente ng bayan ng San Nicolas.

Hindi umano napansin ng rider ang paatras na sasakyan dahilan upang direkta nitong mabangga ang kaliwang likurang bahagi ng naturang utility vehicle.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang motorista at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at agad na isinugod sa Pozorrubio Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival, habang ligtas ang driver ng utility vehicle.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang nasa kustodiya ng pulisya ang mga sasakyang sangkot para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments