Tuesday, May 19, 2026

SP Cayetano, iginiit na hindi natibag ng NBI ang senado

Ipinaabot ni Senate President Alan Peter Cayetano sa National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nila natibag ang Senado.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng mga panawagan na magbitiw na siya sa pwesto dahil sa nangyaring shooting incident sa loob ng gusali ng Senado, ang umano’y pagpapatakas kay Sen. Bato dela Rosa at ang panawagan ni NBI Director Atty.Melvin Matibag na mapanagot si Cayetano sa mga nangyari.

Sinabi ni Cayetano, na noon pa man kahit hindi siya ang Senate President, may panawagan din sa pag-alis sa pwesto.

Pero binigyang-diin ni Cayetano na may dahilan ang 12 senador kung bakit siya ang piniling Senate President kabilang na ang pagiging visible noong panahon ng pandemya.

Ibinalik naman ni Cayetano sa mga nananawagang umalis siya sa pwesto na sila ang mag-resign dahil sila ang pumasok at namaril sa loob ng Senado.

Facebook Comments