Inilunsad sa Dagupan City, ang LOLA Cares Program bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaang lungsod upang suportahan ang mga lola na nagsisilbing pangunahing tagapag-alaga sa mga pamilyang may overseas Filipino workers (OFW), kahapon, Mayo 22.
Isinagawa ang programa sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at panlipunan para sa mga benepisyaryo tulad ng libreng gupit, pagpaparehistro para sa PhilHealth YAKAP at GAMOT Program, at dental services gaya ng tooth extraction, tooth filling, at cleaning.
Layunin ng programa na palawakin at palakasin ang access ng caregiver grandmothers at kanilang mga apo sa social, health, educational, at community-based services.
Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang Women and Children’s Center, Federated Senior Citizens Association of Dagupan City, at City Health Office sa paghahatid ng mga serbisyo para sa mga lola at kanilang pamilya.
Ayon sa pamahalaang lungsod, inaasahang magpapatuloy ang mga kahalintulad na aktibidad upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naiwan ng mga OFW sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








