Nakatakdang buksan sa publiko ang bagong gawang kalsada at inayos na drainage system sa Gomez Street sa Barangay IV, Dagupan City bilang bahagi ng mga hakbang upang matugunan ang matagal nang suliranin sa pagbaha sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapabuti ng daloy ng tubig sa lugar at magbibigay ng mas ligtas at maayos na pagdaan para sa mga residente at motorista.
Kabilang sa isinagawang imprastraktura ang rehabilitasyon ng kalsada at pagsasaayos ng drainage system upang maiwasan ang pag-ipon ng tubig tuwing malakas ang ulan o mataas ang tubig-baha.
Binigyang-diin din ng pamahalaang lungsod na mahalaga ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at barangay sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura at iba pang programang direktang makikinabang ang mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








