Friday, July 3, 2026

Dalawang estudyante, nahulihan ng ₱60,000 na halaga ng ilegal na droga sa Mandaluyong City

Nahulihan ang dalawang estudyante ng hinihinalang ilegal na droga sa loob ng isang pampublikong eskwelahan sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang insidente matapos magsagawa ng imbestigasyon ang tauhan ng nasabing eskwelahan kaugnay ng ulat ng nawawalang cellphone at pera.

Kung saan isang 18 years old na Grade 11 na estudyante ang nagtangkang umalis ngunit ito ay napigilan ng security ng nasabing eskwelahan.

Sa isinagawang inspeksyon kasama ng mga rumespondeng pulis ,narekober ang isang eco-bag na naglalaman ng ilang mga sachets ng hinihinalang high-grade marijuana kasama ng drug paraphernalia.

Gayundin ang isa pang 17 years old na estudyante na napagalaman na may karagdagang sachets ding hawak na nakasilid sa loob ng isang canister.

Narekober ng mga otoridad ang kabuuang 33 na sachets ng high-grade marijuana o kush na may timbang na 40 grams at tinatayang nagkakahalaga ng 60 thousand pesos.

Sa ngayon ang 18 years old na estudyante ay nasa kustodiya ng pulisya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso habang ang isa pang menor de edad na estudyante ay tinurn -over sa pangangalaga ng social welfare.

Facebook Comments