Monday, June 29, 2026

PBBM, inatasan ang mga ahensya ng pamahalaan na higpitan ang proteksyon sa mga kabataan

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang proteksyon sa mga kabataan matapos ang magkakasunod na trahedya sa ilang paaralan.

Tinukoy ng pangulo ang pamamaril sa mga estudyante sa Tacloban City, dalawang insidente ng pananaksak sa mga paaralan sa Cavite, at pagkalunod ng dalawang student-athletes sa isang team-building activity.

Ayon sa pangulo, bilang isang ama ay nag-aalala siya sa kaligtasan ng bawat bata at walang magulang ang dapat na mangambang papasukin ang kanilang anak sa paaralan.

Kaugnay nito, umapela ang pangulo sa mga magulang, paaralan, pamahalaan, at komunidad na magkaisa para matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Inatasan din niya ang Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang para maprotektahan ang mga estudyante.

Binigyang-diin din ng pangulo ang kahalagahan ng pagtuturo ng mabuting asal, tamang pagpapahalaga, at pagrespeto sa buhay.

Facebook Comments