Saturday, June 27, 2026

Pilipinas, muling hinimok ang international community na pagtibayin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang pangunahing batas sa ginanap na 36th meeting of states parties to the law of the sea

Muling nanawagan ang Pilipinas sa international community na pagtibayin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang pangunahing bilang legal framework o batayan batayan ng mga batas sa karagatan.

Ginawa ito ng Pilipinas sa pagdalo sa 36th Meeting of States Parties to the Law of the Sea (SPLOS 36) na ginanap sa United Nation o UN Headquarters sa New York.

Sa national statement ng bansa, binigyang diin ni Enrique Manalo, Ambassador at Permanent Representative to the United Nations ang kahalagahan ng 2016 West Philippine Sea Arbitral Award bilang gabay sa paglutas sa mga usapin sa mga kaso sa karagatan.

Hinikayat din ni Manalo ang lahat ng bansa na sundin at igalang ang award na naipanalo ng bansa sa international court laban sa China.

Nagpahayag din ng suporta ang Pilipinas sa mga institusyong nagpapatupad ng UNCLOS kabilang na ang International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), International Seabed Authority (ISA) at Commission on the Outer Limits of the Continental Shelf (CLCS).

Ito ay para mapanatili ang kaayusan at mapapayapang pamamahala sa ng karagatan.

Facebook Comments