Friday, June 26, 2026

Presidente ng ADMU, dumalo sa pagdinig ng NBI kaugnay ng pagkalunod sa dalawang student-athlete

Tiniyak ni Ateneo de Manila University (ADMU) President Fr. Roberto ‘Bobby’ Yap sa National Bureau of Investigation o NBI na makikipagtulungan ito sa imbestigasyon kaugnay ng pagkalunod ng dalawang student-athlete sa Aurora.

Si Yap ay dumating kankna sa tanggapan ng NBI ngayong umaga kasunod ng inisyung subpoena ad testificandum at duces tecum ng NBI-Homicide Division.

Kasama ang kanyang abogado, isinumite ni Yap ang mga hinihinging dokumento ng NBI kaugnay ng pagkasawi nina Ateneo rookie Rene Baterbonia at Divine Adili.

Noong June 19 hindi nakadalo si Yap sa imbestigasyon at dalawang abogado lamang niya ang nagtungo sa NBI bilang courtesy call dahil sa dinaluhang graduation ceremony noon.

Ngayong araw, posibleng tapusin na ng NBI ang imbestigasyon sa kaso at agad nilang isusumite sa Department of Justice o DOJ ang kanilang findings.

Una nang sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag sa naulilang pamilya ng mga atleta ang patas na imbestigasyon, at pananagutin nila ang sinoman mapatunayang nasa likod ng trahedya.

Kanina inanunsIyo naman ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) na 11 ang pinakakasuhan nila dahil sa umano’y ang dapat na team building ay nag-cross over sa hazing.

Pero hindi naman nadawit dito ang pangalan ng ADMU president na si Fr. Roberto Yap.

Facebook Comments