Saturday, June 27, 2026

Sapat na suplay ng kuryente sa buong bansa ngayong Sabado, tiniyak ng NGCP

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sapat ang suplay ng kuryente sa buong bansa ngayong Sabado, June 27.

Base sa Power Situation Outlook ng NGCP, umabot sa 16,329 megawatts ang available generating capacity sa Luzon, kumpara sa inaasahang 11,586 megawatts na system peak demand at may 4,743 megawatts na operating margin.

Habang sa Visayas, naitala naman ang 2,598 megawatts na available generating capacity, habang 2,381 megawatts ang inaasahang peak demand at may 217 megawatts na operating margin ang grid.

Samantala, sa Mindanao umabot sa 3,418 megawatts ang available generating capacity kumpara sa 2,405 megawatts na system peak demand at may 1,013 megawatts naman itong operating margin.

Facebook Comments