Friday, July 3, 2026

Pagtatatag ng oil reserves, suportado ng ilang senador

Sinusuportahan ng isang senador ang pagtatatag ng strategic petroleum reserves sa bansa na isinusulong ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na kailangan ng sapat na reserba ng langis para sa ating energy security at para tugunan ang matinding epekto ng krisis sa langis sa bansa.

Iginiit ni Ejercito na kailangan natin ng petroleum reserve bilang paghahanda kapag magkaroon muli ng krisis.

Nakita aniya ito sa nangyaring gyera sa Middle East sa pagitan ng Amerika, Iran at Israel na nagkaproblema sa supply at sumirit ng husto ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado nang isinara ang Strait of Hormuz.

Batay sa plano ng DOE, sinabi ni Secretary Garin na magtatayo sila ng mga tangke para pag-imbakan ng langis na mangangailangan ng P5 million na pondo, kung saan target na doblehin ang 60 days na kasalukuyang imbentaryo ng langis at gawing 120 days na suplay.

Facebook Comments